11.23.2011

Here we go

112311

At some point you have to realize that
people can stay in your heart, but not in your life

tagalog mode

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang sad ko today. Masaya nga dapat ako eh kasi madami akong natulog para sa life sized project namin. Tapos nakasama ko pa si Mango, tapos naging commentator pa ako sa mass kanina. Oh diba? Pero parang ang down ko pa rin. Mood Swings siguro. Or baka may Bipolar Disorder na ako. Lol Joke Time ba toh?

Baka naman dahil nalaman ko na, na hindi na ako Conduct Awardee. Ang sakit grabe, ngayon lang ako hindi naging hindi Conduct kung kailan 4th Year na. Nabwibwiset talaga ako. Gusto ko kasing umakyat ng stage diba?! Parang UGH. Bakit kasi kinukuha pa yun sa akin? Bakit?

Tapos yung iba ko pang kaibigan galit sa akin. Grabe SARAP MAG-LASLAS. Woo. Sa lahat talaga ng ayaw ko yung may kaaway. Yung may nagagalit sa iyo, tapos hindi pa sinasabi sayo na galit sila sayo. Tapos kapag kasama mo sila parang wala silang gana palagi, tapos kapag nag-hehello ka sa kanila parang "K." lang sila. Kubaga sa text ang hyper hyper mo tapos parang yung katext mo, wala lang. Sobrang Sakit talaga. Ayoko mawalan ng kaibigan. Ang saya kaya nila kasama. Sila nga yung bestfriends ko eh, tapos parang magagalit sila sa akin dahil hindi ko alam? Ang sakit talaga, wala akong karapatan magalit sa kanila, pero nasasaktan talaga ako. Gusto ko ng umiyak. Help Me.

Grabe, eto pa. May kinuwento si Mango kanina. (Pero bawal sabihin kasi secret yun bahaha! LOL) Okay so ayun nga may kinuwento siya. Tapos parang naisip ko, mayroon talga ganung mga tao. Yung iiwan ka na nila kasi, sawa na sila. Habang kinukwento niya yun ang lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot kasi ako na maiwanan eh. Sabi nila, balang araw mararamdaman ko daw yung ganun, pero parang hindi pa ako ready makaramdam ng ganun. Ayokong mawala siya sa akin, siya lang talaga yung alam mo yun nakakaintindi sayo. Parang siya lang nagpapangiti sayo. Natatakot talaga ako. Hay.

Okay yun lang for now, try ko ulit mag-update ;) Nag-labas lang ako ng nararamdaman ko.

Always,
Hanna