5.13.2009

the legend's kid

grbe akalain nio yun maaadik ako sa isang bata :)). wow, i didn't see that coming :))
kse ba nman npka-super-over na CUTE itong batang ito.many people says na carbon copy niya daw ang kanyang tatay, no other than ely buendia.

ewan ko ba kung bakit ako naadik sa little cute kid na ito, he's so adorable x).hindi lang sa face kundi sa actions niya.

basahin nio na lang yung interview sa baba :)
(FYI, hindi ako ako ng-interview nabasa ko lang yan, habang humhnap ako ng mga articles tungkol kay EON or kay ely.)

by: Neilsen

Bukod sa pagiging frontman ng Pupil, may isa pang trabaho si Ely Buendia ngayon. Ito ang tipo ng trabahong sigurado akong ayaw nyang magkamali. Hindi option ang breakup sa trabahong ito. After 10 years sa trabahong ito, hindi pwedeng sabihin na “ We’d been together for 10 years. We wanted to do different things, also we all can't agree with each other that time, it was a natural death so to speak".

Actually, trabaho ko rin to ngayon kaya alam kong dapat pagbutihan ito. Para sa kin, ito ang pinakamahirap pero pinakamasayang trabaho sa buong mundo:

Fatherhood.

Si Eon ang firstborn ni Ely at ni Diane. Siya yung cute na batang kahawig ni Ely sa video ng Superproxy 2K6. Sa Pupilopolis.com, may mga desktop wallpaper ang Pupil kasama si Eon.

Me: “Ano yung full name ni Eon?”

Ely: “Eon Drake Ventura Buendia."

Me: “Ahh Eon Drake. Kasi akala ko Eon Dracula e. Sa mga mailing lists kasi, Eon Dracula yung sabi nilang name ni Eon.”

Ely: “Eon Drake talaga dapat. Nagkamali ng sulat yung nurse sa birth certificate nya. Nagbibiruan kasi kami ni Diane nun. Pero inaayos na namin yung papers nya para mapalitan yung name nya to Eon Drake.”

Me: “May mga Ely Buendia traits ba na nagmamanifest na kay Eon?”

Ely: ”Traits? Lahat ng negative, sa kin nakuha. Yung katamaran ko. Actually lahat ng positive traits nya, kay Diane nanggaling. He's smart. Na-accelerate sya from Kinder to Prep.”

Me: “Pano yung parenting style mo kay Eon? Strict or lax?”

Ely: “Halo e. Minsan kasi kailangan mong maging firm sa bata. Lalo na sa studies. Tsaka sa pagkain. Ngayon nga, ang kinakain lang ni Eon, tempura, fried chicken, tsaka french fries. Side dish nya lang pala yung fries. Tapos sa tempura, yung breading lang yung kinakain nya.”

Me: “First song mo na natutunan ni Eon?”

Ely: “Alam ko sa Mongols pa yun e. Basta Mongols tsaka Pupil lang kinakanta nya.”

Me: “Wala syang kinakanta from your band before Mongols?”

Ely: “Wala.”

Me: “Typical bonding activity nyo ni Eon?”

Ely: “Everyday is a bonding activity for me and Eon. Meron kaming Xbox, Playstation, PSP, Gamecube, Nintendo DS. Pagdating sa laruan, doon ako medyo nagwawaldas ng pera ko. Feeling ko kasi, hindi lang para kay Eon yun, para sa kin din.”

Me: “Most prized possession na ipapamana mo kay Eon?”

Ely: “Yung mga books ko siguro”

Me: “Ano ba yung mga books na binabasa mo?”

Ely: “Nahilig ako kay Stephen King. Ngayon, I'm reading history books.”

Me: “If Eon were to write an essay about his dad, what would you like to read about yourself?”

Ely: “Sigurado naman akong wala syang masusulat na negative about me and Diane kasi everyday lagi nya kaming kino-compliment. Lagi nya sinasabi sa kin na "You're the best papa in the world"”

Me: “What is your ideal Eon 15 years from now?”

Ely: “I want him to graduate from a prestigious university.”

Me: “U.P.?”

Ely: “Hindi don. (laughs) Oy pero dun ako galing ha!”

Me: “If you had one advice to give him na gusto mong dalhin nya hanggang pagtanda?”

Ely: “Always look out for number one.”

so aun lang nman :)
tnx for reading :)